Tuesday, October 6, 2009

Ang fashion sa aking pananaw


Sinasabing ang "fashion" ay sumasalamin sa ating pagkatao.Di mo ba napapansin kung paano ka manamit ay iyon ang unang napapansin.Karamihan sa mga tao ay mapanghusga lalo na sa panlabas na anyo.Dapat tayong maging responsable sa ating pananamit upang di maging tampulan ng tukso at katatawanan.

Bilang isang kabataan, ako ay may idolo rin sa "fashion".Hinahangaan ko si Kris Bernal sa kanyang husay at galing sa pagdadala ng kanyang sarili lalo na sa pagdadamit.Ngunit hindi ibig sabihin nun ay lahat na ng ayos at porma ni Kris ay ginagaya ko.Siya ang inspirasyon ko upang mapalawak pa ang aking "fashion taste", syempre tinitingnan ko din kung babagay ba sa akin o hindi, kung komportable at "affordable" ba ang aking bibilhing damit, aborloloy, sapatos at bag.

Maraming kabataan ngayon ay laging sunod sa uso.Hindi na iniisip kung bagay ba sa kanila o hindi.Kahit di importante sige lang, bili dito, bili dun basta uso.Dapat natin tingnan ang ating pinansyal na aspeto bago sumunod sa agos.Kadalasan ang mga uso ngayon ay madaling malaos kaya dapat maging mapanuri din sa pamimili.


Ang fashion sa aking pananaw ay isang sining.Sining sa kung paano natin dadalhin ang ating sarili upang maging presentable sa iba.Dapat din itong ibagay sa personalidad meron tayo.Halimbawa diba dyahe naman kung ang isang tomboy ay magsusuot ng kikay at sexy dress syempre damit panlalaki.Dapat itong ibagay sa okasyon at lugar na ating pupuntahan.Kung pupunta kang Baguio diba di ka naman magsusuot ng mga sleeveless ewan ko lang kung di ka ginawin sa lamig.Minsan ginagamit din ang pagdadamit upang itago ang ilang depekto sa ating katawan.At higit sa lahat dapat komportable at kaya natin dalin ang ating "fashion taste"



Guevarra,Bless Regeena
bs psych 1a

Wednesday, September 30, 2009

Epekto ng "fashion" sa ating pamumuhay.


Nagkalat ang ibat-ibang istilo ng damit, bags, footwear at maging hairstyle. Sa
mall tila laging may fashion show na para bang patalbugan sa pagrampa. Sa kabila ng global crisis, wala pa ring tigil ang pagdagsa ng mga tao sa department store, palengke at naging ukay-ukay o UK. Ang iba tila naging "obsession" na ang pag-shoshopping, kalokah sa paggasta kahit magkabaon-baon pa sa utang masunod lang ang kanilang fashion style, ika nga.





Ang fashion o pamamaraan ng ating pananamit ay sumasalamin sa ating personalidad. Ito rin ay isang paraan ng pagpapakilala ng ating sarili sa iba. Tulad halimbawa ng writer na si Tessa Prieto-Valdez,kilala siya sa kanyang fashion signature na makukulay at kakaibang outfit with matching bonggacious head-dress. Ang news anchor na si Mel Tiangco sa kanyang formal attire ay lalong nagpapatingkad sa kanyang personalidad na kagalang-galang at mapagkakatiwalaaan, bilang isang mamahayag. Sa pamamagitan ng fashion naeexpress natin ang ating mga sarili, tulad ng nauuso ngayong emo-style, hip-hop at pagiging fashionista.



Akala ng iba basta nakasuot ka ng damit na "in", branded o kaya'y malaya mong naeexpress ang iyong sarili at ang kakaibang fashion taste mo 'eh okay na! Dapat din itong ibagay sa okasyon at lugar na pupuntahan, ikaw din kung ayaw mong maging katawa-tawa at agaw eksena of the night. Mayroong iba naman na unang tingin palang hanep na sa dating, samantalang yung iba naman kahit branded na 'yung suot 'di naman keri. May napapa-wow mali pa nga akalain mo ba namang isang becky pala!





Nauuso ngayon ang mga damit na may fashion statement, ika nga. Dahil "in" marami ang mga nagsusuot nito kahit hindi naiintindihan ang kahulugan. Nagkalat din ang mga taong pilit na nakikisunod sa uso kahit hindi na keri at nagmumukha nang christmas tree sa dami ng anik-anik sa katawan.




Bakit nga ba may mga taong obsess lalo na ang mga kabataan sa pagsunod o paggaya sa mga bagay na kanilang kinahuhumalingan? May kaibigan nga ako na sa sobrang pag-idolo kay Kim Chu bawat damit, porma at hairstyle ginagaya kahit hindi na kaya pang makipagsabayan sa maluhong "lifestyle" ng kanyang idolo. May ilan naman na pinangatawanan na ang kasawian,pag nakasalubong mo eh parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang drama wapakels sa opinyon ng iba basta maipakita lang ang pagiging emosyunal o emo. Isa pa ay ang oa "singer wannabe",tila pinagsisigawan ang karatulang "i belong". Gayang gaya ang kanyang idolo sa porma at istilo wag ka pag bumirit na parang pinipitpit na lata. Hindi naman natin kailangang gayahin ang ating idolo at maging trying hard copycats lalo na kung hindi tugma sa ating pamumuhay at personalidad.

Anuman ang iyong fashion style, dapat din na isaalang-alang ang ilang mga bagay. Hindi naman natin kailangang gumastos ng sobra at laging sumunod sa kung ano ang uso, kanya-kanyang diskarte lang yan upang maging bonggacious ang outfit mo. "Be yourself", 'wag ipilit ang hindi dapat at huwag mag feeling kung walang guts, iba na ang natural at simple. Iwasan ang labis na self-expression thru fashion baka mapagkamalan kang walking closet. At panghuli, magsuot ng babagay sa shape at personality mo. Hanggat keri at komportable ka go lang ng go, tiyak na panalo ang beauty mo :-)




Ansay,Ma. Lourdes Daisy
bspsych1a

Tuesday, September 29, 2009

Ganito ba ang fashion mo?

Branded o ke ikaw lang pumirma ng damit na iyan "Nasa nagdadala lang iyan.", eka nga ng karamihan ngayon. Oo, tama naman talaga, ang problema nga kasi, hindi na madala, pinipilit pa!

"Tignan mo siya mula ulo hanggang paa". Kinulayan niya ang buhok niya ng kulay cherry, tandem nga naman sa balat niyang kulay chocolite". Ito pa isa, nakaemo daw siya na parang itinakwil naman ng bonggang bongga ng lahat ng barbero sa mundo. Di ba't kapansin-pansin na ang naglipanang mga magkakamukha ngayon nang dahil sa buhok na kulang na lang ay pagpugaran ng ibon at saputan ng gagamba. Kapansin-pansin din naman at hindi maipagkakaila ang husay ng karamihan ngayon sa pagsukat ng damit. Minsan kong napansin na bumakat ng lahat ng dapat bumakat, tulad na lang ng ayaw paawat na mga love handles ng katawan, sige pa rin! Viceversa naman, nagmumukha namang mga hanger. Mahusay di ba?


Bakit nga ba ganon? Eh kasi kung ano ang uso, sunod naman kaagad. Natatandaan mo pa ba nung nauso si 6 pockets? tapos naging 8pockets, 16pockets,1000pockets. Go lang ng go hanggang sa malaos. Sumulpot naman si Elephant style ng pantalon. Yun bang parang lahat ng nagsusuot ng ganon e nagiging imitation ni Elvis Priestly. Pinagdaanan ulit ng panahon, hanggang sa bumalik si baston na naging bentang benta sa karamihan kahit na may pasakit na dulot ito sa nagsusuot. Isipin mo ba naman hirap na hirap ka na ngang isuot, pati ba naman sa paghubad.! Sabi nga e, jerbax na jerbax ka na di pa rin natatanggal. Bigla nalang ngang pumasok sa isip ko iyong mga kamag-aral ko nung nasa hayskul pa ako, pati ba naman yung jogging pants na uniporme ng paaralan binaston. Kulang na nga lang pati yung paborito mong pajamang pantulog e ibaston, masabing nasa uso lang. Isa pang rebelasyon ay iyong pagsuot ng miniskirt at ng short short short shorts. Nakiuso nanaman si Juana. Bakit? Para ba mang akit? Ang legs naman ay parang palo-palo. O baka naman para maki-uso? Bakit? uso ba stretch marks?




Walang masama sa pakikiuso. Siguraduhin lang na madadala at hindi magiging katawatawa. Pero kung tutuusin hindi lang iyan ang polyusyon ng pananamit. Maging ang mahusay at kaakit-akit pumorma ay may depekto rin. Sa panahon ngayon ang pagsusuot ng damit ay ginagawa na rin na yabang. Hindi lang iyon! Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa mga disenyo ng mga damit ngayon lalo na sa kalalakihan bakit kaylangan pang bastusin ang Dios? Kung ano-anung imahe ang hindi naman malaman ang ibig sabihin, pero hindi pa rin paawat sa pagsuot. Di mo ba napapansin apektado na ng pananamit ang karakter ng tao? Tama o tama? Mas mabuti kung mabatid natin muli ang nakalimutang layunin ng damit, na ito'y para ipantakip sa katawan.



Sotolombo, Rachelle Anne A.
Bs Psych 1-a


kahalagahan ng Fashion sa buhay ng tao


Ang pananamit ay isa sa mga requirements upang maging disente at presentable sa publiko ang isang tao.Ang style ng pananamit ay nagbabago din,tulad nalamang ng iyong paboritong kanta,nagbabago din dahil sa ito'y napapalitan na.Ang pananamit ay magbubukas sa iyo sa iba't-ibang pinto ng iyong buhay,tulad nalang kung ang suot mo ay baggy pants at t-shirt lang,malamang sa malamang eh ang mahahanap mong trabaho ay busboy,o cleaning girl/boy sa isang maliit na market.Nakatira tayo sa mundong kung saan ang pananamit ang nagsasabi sa ating sarili at sa ating aptitude ,tulad nalang pwede kang hindi maging totoo sa ibang tao,maging matalino na may IQng humigit kumulang sa 100.Halos lahat ng tao sa ngayon ay nagba-base sa pananamit ng isang tao,kung paano niya ito tatratuhin.tulad ng racism,hindi lamang ito ukol sa gender/race ng isang tao,ukol din ito sa fashion at pananaw ng isang tao.

Ang fashion ay importante,dahil ito ang nagpapadala ng mensahe na pinapahalagahan mo ang sarili mo,na ikaw ay updated,at higit sa lahat na ikaw ay presentable.Ang iyong pananamit ang nagsasabi kung ikaw ay responsable o hindi,ganun kaimportante ang fashion sa ating buhay ,sabi nga eh "it's all in the looks".Paano nga ba masasabing ang isusuot ng isang tao ay matatawag na fashion o hindi?Hindi lahat ng tao ay kayang bumili ng damit na nagkakahalaga ng Php.144,000,dahil sa tatak nitong Armani suit.Sa aking opinion eh "beauty is in the eye of the beholder".Ang isang tao ay dapat manamit kung saan sila ay komportable at naaayon sa okasyon na pupuntahan.Naka experience na rin kasi na may ibang tao dyan na nagdadamit na hindi angkop sa okasyon na kanyang pupuntahan.

Ngayon,kung lalabas lang naman kayo ng mga kaibigan niyo,magre-relax sa beach,o magpupunta sa mall,masasabi kong gawan niyo nalang ng statement ang sarili niyo.Isuot niyo ang gusto niyong isuot at kung saan kayo komportable at sabihin niyo sa mundo na "ito ako!take it or leave it...kasi hindi ko kailangan ang opinion niyo!"sabay goodbye.....





San Jose,Valeen Joy A.
BS psych-1A

Dapat bang sumunod sa uso?

Damit, sapatos, computers, cellphones at iba pang mga makabagong teknolohiya ay iilan lamang sa mga bagay na patuloy na umuunlad at patuloy na tinatangkilik ng mga tao. Dapat bang bawat isa nito ay dapat meron tayo? Hindi ba tayo matatawag na "in" kapag wala tayo nito? Tulad na lang sa pananamit, maituturing na ba tayong baduy kung hindi tayo nakakasunod sa uso?, o di naman kaya'y sa mga gamit, maihahalintulad ba tayong mahirap o dukha kung wala tayo ng mga ito?

May mga taong nariyan pa rin na makaluma ang pamumuhay, mga taong nagmimistulang Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa kanilang mga kasuotan, mga taong makainilya pa rin ang gamit hanggang ngayon. May mga taong kung ano lang ang nariyan ay kanila na lamang pinagtitiyagaan. Mayroon ding kahit walang pera at hindi makuntento sa kung anong meron sila ay gumagawa pa rin ng mga paraan para lang makasunod sa uso, minsan ay hindi na tama ang kanilang ginagawa at hindi nila alam na malaking pagkakamali sa harapan ng Panginoon ang kanilang ginagawa.

Ilan sa mga nariyan ay pilit pinakikibagayan ang bawat mausong mga bagay kahit hindi naman ito nararapat. Ang iilan naman ay gumagastos ng napakalaking halaga para lamang makasunod sa uso. May iilan namang paraan na makakasunod sa uso na hindi na gugugol ng malaking halaga. At dapat nating isaalang-alang ang bawat sitwasyon at ang antas ng ating pamumuhay kung tayo ay makikiuso.
Kung may pera ka walang problema kung makikibagay at susunod ka sa uso, basta huwag ka lang aabuso at ito'y hindi makakasama. At kung ikaw naman ay mahirap lamang pwede ka namang makagawa ng sarili mong porma bukod doon ay mas uso ang pagiging kakaiba(uniqueness). Iba na ang panahon ngayon, mayroong mga taong hindi sumusunod sa uso, bagkus sila pa ang nagpapauso. Hindi mahalaga kung tayo ay hindi makasunod sa uso, nasa bawat indibidwal kung paano sila makikibagay.


John Dave S. Joaquin
BS Psychology-1A