Nagkalat ang ibat-ibang istilo ng damit, bags, footwear at maging hairstyle. Samall tila laging may fashion show na para bang patalbugan sa pagrampa. Sa kabila ng global crisis, wala pa ring tigil ang pagdagsa ng mga tao sa department store, palengke at naging ukay-ukay o UK. Ang iba tila naging "obsession" na ang pag-shoshopping, kalokah sa paggasta kahit magkabaon-baon pa sa utang masunod lang ang kanilang fashion style, ika nga.

Ang fashion o pamamaraan ng ating pananamit ay sumasalamin sa ating personalidad. Ito rin ay isang paraan ng pagpapakilala ng ating sarili sa iba. Tulad halimbawa ng writer na si Tessa Prieto-Valdez,kilala siya sa kanyang fashion signature na makukulay at kakaibang outfit with matching bonggacious head-dress. Ang news anchor na si Mel Tiangco sa kanyang formal attire ay lalong nagpapatingkad sa kanyang personalidad na kagalang-galang at mapagkakatiwalaaan, bilang isang mamahayag. Sa pamamagitan ng fashion naeexpress natin ang ating mga sarili, tulad ng nauuso ngayong emo-style, hip-hop at pagiging fashionista.
Akala ng iba basta nakasuot ka ng damit na "in", branded o kaya'y malaya mong naeexpress ang iyong sarili at ang kakaibang fashion taste mo 'eh okay na! Dapat din itong ibagay sa okasyon at lugar na pupuntahan, ikaw din kung ayaw mong maging katawa-tawa at agaw eksena of the night. Mayroong iba naman na unang tingin palang hanep na sa dating, samantalang yung iba naman kahit branded na 'yung suot 'di naman keri. May napapa-wow mali pa nga akalain mo ba namang isang becky pala!
Nauuso ngayon ang mga damit na may fashion statement, ika nga. Dahil "in" marami ang mga nagsusuot nito kahit hindi naiintindihan ang kahulugan. Nagkalat din ang mga taong pilit na nakikisunod sa uso kahit hindi na keri at nagmumukha nang christmas tree sa dami ng anik-anik sa katawan.Bakit nga ba may mga taong obsess lalo na ang mga kabataan sa pagsunod o paggaya sa mga bagay na kanilang kinahuhumalingan? May kaibigan nga ako na sa sobrang pag-idolo kay Kim Chu bawat damit, porma at hairstyle ginagaya kahit hindi na kaya pang makipagsabayan sa maluhong "lifestyle" ng kanyang idolo. May ilan naman na pinangatawanan na ang kasawian,pag nakasalubong mo eh parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang drama wapakels sa opinyon ng iba basta maipakita lang ang pagiging emosyunal o emo. Isa pa ay ang oa "singer wannabe",tila pinagsisigawan ang karatulang "i belong". Gayang gaya ang kanyang idolo sa porma at istilo wag ka pag bumirit na parang pinipitpit na lata. Hindi naman natin kailangang gayahin ang ating idolo at maging trying hard copycats lalo na kung hindi tugma sa ating pamumuhay at personalidad.
Anuman ang iyong fashion style, dapat din na isaalang-alang ang ilang mga bagay. Hindi naman natin kailangang gumastos ng sobra at laging sumunod sa kung ano ang uso, kanya-kanyang diskarte lang yan upang maging bonggacious ang outfit mo. "Be yourself", 'wag ipilit ang hindi dapat at huwag mag feeling kung walang guts, iba na ang natural at simple. Iwasan ang labis na self-expression thru fashion baka mapagkamalan kang walking closet. At panghuli, magsuot ng babagay sa shape at personality mo. Hanggat keri at komportable ka go lang ng go, tiyak na panalo ang beauty mo :-)
Ansay,Ma. Lourdes Daisy
bspsych1a






