Tuesday, September 29, 2009

Ganito ba ang fashion mo?

Branded o ke ikaw lang pumirma ng damit na iyan "Nasa nagdadala lang iyan.", eka nga ng karamihan ngayon. Oo, tama naman talaga, ang problema nga kasi, hindi na madala, pinipilit pa!

"Tignan mo siya mula ulo hanggang paa". Kinulayan niya ang buhok niya ng kulay cherry, tandem nga naman sa balat niyang kulay chocolite". Ito pa isa, nakaemo daw siya na parang itinakwil naman ng bonggang bongga ng lahat ng barbero sa mundo. Di ba't kapansin-pansin na ang naglipanang mga magkakamukha ngayon nang dahil sa buhok na kulang na lang ay pagpugaran ng ibon at saputan ng gagamba. Kapansin-pansin din naman at hindi maipagkakaila ang husay ng karamihan ngayon sa pagsukat ng damit. Minsan kong napansin na bumakat ng lahat ng dapat bumakat, tulad na lang ng ayaw paawat na mga love handles ng katawan, sige pa rin! Viceversa naman, nagmumukha namang mga hanger. Mahusay di ba?


Bakit nga ba ganon? Eh kasi kung ano ang uso, sunod naman kaagad. Natatandaan mo pa ba nung nauso si 6 pockets? tapos naging 8pockets, 16pockets,1000pockets. Go lang ng go hanggang sa malaos. Sumulpot naman si Elephant style ng pantalon. Yun bang parang lahat ng nagsusuot ng ganon e nagiging imitation ni Elvis Priestly. Pinagdaanan ulit ng panahon, hanggang sa bumalik si baston na naging bentang benta sa karamihan kahit na may pasakit na dulot ito sa nagsusuot. Isipin mo ba naman hirap na hirap ka na ngang isuot, pati ba naman sa paghubad.! Sabi nga e, jerbax na jerbax ka na di pa rin natatanggal. Bigla nalang ngang pumasok sa isip ko iyong mga kamag-aral ko nung nasa hayskul pa ako, pati ba naman yung jogging pants na uniporme ng paaralan binaston. Kulang na nga lang pati yung paborito mong pajamang pantulog e ibaston, masabing nasa uso lang. Isa pang rebelasyon ay iyong pagsuot ng miniskirt at ng short short short shorts. Nakiuso nanaman si Juana. Bakit? Para ba mang akit? Ang legs naman ay parang palo-palo. O baka naman para maki-uso? Bakit? uso ba stretch marks?




Walang masama sa pakikiuso. Siguraduhin lang na madadala at hindi magiging katawatawa. Pero kung tutuusin hindi lang iyan ang polyusyon ng pananamit. Maging ang mahusay at kaakit-akit pumorma ay may depekto rin. Sa panahon ngayon ang pagsusuot ng damit ay ginagawa na rin na yabang. Hindi lang iyon! Hindi ko maintindihan kung bakit karamihan sa mga disenyo ng mga damit ngayon lalo na sa kalalakihan bakit kaylangan pang bastusin ang Dios? Kung ano-anung imahe ang hindi naman malaman ang ibig sabihin, pero hindi pa rin paawat sa pagsuot. Di mo ba napapansin apektado na ng pananamit ang karakter ng tao? Tama o tama? Mas mabuti kung mabatid natin muli ang nakalimutang layunin ng damit, na ito'y para ipantakip sa katawan.



Sotolombo, Rachelle Anne A.
Bs Psych 1-a


No comments:

Post a Comment