Tuesday, October 6, 2009

Ang fashion sa aking pananaw


Sinasabing ang "fashion" ay sumasalamin sa ating pagkatao.Di mo ba napapansin kung paano ka manamit ay iyon ang unang napapansin.Karamihan sa mga tao ay mapanghusga lalo na sa panlabas na anyo.Dapat tayong maging responsable sa ating pananamit upang di maging tampulan ng tukso at katatawanan.

Bilang isang kabataan, ako ay may idolo rin sa "fashion".Hinahangaan ko si Kris Bernal sa kanyang husay at galing sa pagdadala ng kanyang sarili lalo na sa pagdadamit.Ngunit hindi ibig sabihin nun ay lahat na ng ayos at porma ni Kris ay ginagaya ko.Siya ang inspirasyon ko upang mapalawak pa ang aking "fashion taste", syempre tinitingnan ko din kung babagay ba sa akin o hindi, kung komportable at "affordable" ba ang aking bibilhing damit, aborloloy, sapatos at bag.

Maraming kabataan ngayon ay laging sunod sa uso.Hindi na iniisip kung bagay ba sa kanila o hindi.Kahit di importante sige lang, bili dito, bili dun basta uso.Dapat natin tingnan ang ating pinansyal na aspeto bago sumunod sa agos.Kadalasan ang mga uso ngayon ay madaling malaos kaya dapat maging mapanuri din sa pamimili.


Ang fashion sa aking pananaw ay isang sining.Sining sa kung paano natin dadalhin ang ating sarili upang maging presentable sa iba.Dapat din itong ibagay sa personalidad meron tayo.Halimbawa diba dyahe naman kung ang isang tomboy ay magsusuot ng kikay at sexy dress syempre damit panlalaki.Dapat itong ibagay sa okasyon at lugar na ating pupuntahan.Kung pupunta kang Baguio diba di ka naman magsusuot ng mga sleeveless ewan ko lang kung di ka ginawin sa lamig.Minsan ginagamit din ang pagdadamit upang itago ang ilang depekto sa ating katawan.At higit sa lahat dapat komportable at kaya natin dalin ang ating "fashion taste"



Guevarra,Bless Regeena
bs psych 1a

No comments:

Post a Comment